Sino ang lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa mga ito na mga dakilang nilikha na hindi natatalos?
Sino ang gumawa sa sistemang eksaktong mahusay na ito sa langit at lupa?
Sino ang lumikha ng tao, nagkaloob sa kanya ng pandinig, paningin, at pang-unawa, at gumawa sa kanya na nakakakaya ng pagtamo ng mga kaalaman at pagtalos ng mga katotohanan?
Papaano mong ipakahuhulugan ang eksaktong pagkagawang ito sa mga organo ng katawan mo at mga katawan ng mga buhay na nilalang? Sino ang nagpasimula sa mga ito?
Papaanong naoorganisa at namamalagi ang dakilang Sansinukob na ito sa pamamagitan ng mga batas nito na nagreregula rito sa isang eksaktong pagkakaregula sa paglipas ng mga taon?
Sino ang naglagay ng mga sistema na namamahala sa mundong ito: ang buhay, ang kamatayan, ang pag-aanak ng mga buhay, ang gabi at ang maghapon, ang pagpapalit ng mga panahon, at iba pa?
Nilikha ba ng Sansinukob na ito ang sarili nito o dumating ito mula sa wala o umiral ito dahil sa isang pagkakataon (chance)?
Bakit sumasampalataya ang tao sa kairalan ng mga bagay na hindi niya nakikita? Tulad ng pagkatalos, isip, kaluluwa, mga damdamin, at pag-ibig? Hindi ba dahil siya ay nakakikita sa mga epekto ng mga ito? Kaya papaanong magkakaila ang tao sa kairalan ng Tagalikha ng dakilang Sansinukob na ito samantalang siya ay nakakikita sa mga epekto ng mga nilikha ng Tagalikha at mga epekto ng pagkagawa Nito at awa Nito?
Hindi matatanggap ng isang tao na sabihin sa kanya na ang bahay ay dumating nang walang pagpapatayo ng isang tao o sabihin sa kanya na ang wala ay ang nagpairal sa bahay na ito! Kaya papaanong naniniwala ang ilan sa mga tao sa nagsasabi na ang dakilang Sansinukob na ito ay dumating nang walang isang tagalikha? Papaanong matatanggap ng isang nakapag-uunawa na sabihin sa kanya na ang kawastuhang eksaktong ito ng Sansinukob ay dumating dala ng isang pagkakataon (chance)?
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): ﴾ أَمۡ خُلِقُواْ مِنۡ غَيۡرِ شَيۡءٍ أَمۡ هُمُ ٱلۡخَٰلِقُونَ، أَمۡ خَلَقُواْ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَۚ بَل لَّا يُوقِنُونَ ﴿ {O nilikha sila ng hindi isang anuman o sila ay ang mga tagalikha?}(Qur'ān 52:35)
