Bigyan mo ako ng dahilan para mag Muslim

Bigyan mo ako ng dahilan para mag Muslim, isang dahilan lang? sige na!tingnan natin kung anong maibibigay mong dahilan

Bibigyan kita ng 10 (dahilan).

1-Ang islam ay nagbibigay ng malinaw at makatwirang mga sagot sa mga mahahalagang tanong sa isip ng bawat isa tulad ng, Bakit tayo nilikha? Ano ang layunin natin sa buhay? at anong mangyayari sa atin pagkaraan ng kamatayan?

2-Isinasaalang-alang ng Islam ang kalikasan ng tao, kaya, hindi nito inilalagay ang espirituwal na bahagi bago ang pisikal na bahagi o ang pisikal na bahagi bago ang espirituwal na panig. Lumilikha ang Islam ng balanse sa pagitan ng dalawa na sapat na upang baguhin ang lahat ng aspeto ng buhay ng tao

3-Ang Islam ay hindi aktuwal na kinikilala ang bulag na pagpapasakop at hindi nanawagan para dito, ito ay nagtataas ng halaga ng isip at talino; walang mga ipinagbabawal na lugar o bawal sa pag-iisip sa halip ay sinasabi nito sa mga tagasunod nito na mag-isip bilang isang paraan upang palakasin ang kanilang pananampalataya sa Allah   

4-Ang Islam ay tumatanggi sa pagsamba sa mga nilikha sa halip ay nakatuon sa pagsamba sa Tagapaglikha lamang sa Makapangyarihang Panginoon na naglalarawan ng lahat ng katangian ng pagiging perpekto

5-Hindi pinahihintulutan ng Islam ang pagkalito sa pang-araw-araw na buhay ito ay naglalahad ng isang hanay ng mga batas upang ayusin ang lipunan, ekonomiya, pulitika, at maging ang mga personal na relasyon, ang mga batas nito ay nangangailangan ng mataas na pagpapahalaga nang hindi binabalewala ang kalikasan ng tao

6-Habang ang mga relihiyon ay naiiba sa kung paano nila kilalanin ang tagapaglikha, Malinaw na ipinapahayag ng Islam na wala siyang katulad at walang pwedeng ihambing sa Kanya, Nasa kanya ang lahat ng mga katangian ng pagiging perpekto na karapat-dapat sambahin

7-Iginagalang ng Islam ang lahat ng mga propeta at inilalarawan sila bilang bago at relihiyoso ng mga tao na sumasamba sa Allah na Makapangyarihan at sila ang pinili niyang maghatid ng Kanyang mensahe

8-Ang Islam ay tumatanggi sa sinasabing mga tagapamagitan sa pagitan ng tao at ng Diyos, tulad ng mga pari o mga diyus-diyosan, atbp. Ito ay direktang nag-uugnay sa iyo sa Lumikha dahil ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa harap ng Lumikha at walang sinuman ang higit sa iba maliban sa kanilang kabanalan

9-Hindi pinipilit ng Islam ang sinuman na yakapin ito kailangan mong mag-isip para sa sarili mo para piliin ang Diyos upang makapasok sa Kanyang Paraiso, Ang Allah ay nagsabi:(Dapat walang sapilitan sa relihiyong islam, ang tamang landas ay  malinaw sa kaligawan

10-sa patotoo ng lahat ng yumakap sa Islam ay binago ng Islam ang buhay ng bagong yumakap ng 180 degrees tungo sa mas mahusay at ito ang dahilan kung bakit Islam ang pinakamabilis na lumagong relihiyon sa mundo ayon sa Guinness,sa totoo lang

whatsapp icon messenger icon