Sampung katotohanang tungkol kay Hesus

Iniisip ng karamihan sa mga Kristiyano na ayaw ng mga Muslim kay Hesus, o sa pinakamabuti ay walang pumapanig sa kanya, o ang pagtingin sa kanya sa parehong paraan tulad ng pagtingin ng mga Kristiyano kay Muhammad (sumakanya ang kapayapaan). Ang katotohanan ay lubos na naiiba, Narito ang sampung katotohanan tungkol sa katayuan na ibinibigay ng Islam kay Hesus, na maaaring hindi mo pa narinig noon.

1. Gaya ng sinabi sa Qur'an, ang kuwento ni Hesus ay nagsimula sa kanyang lola, 'asawa ni Imran, na ipinangako ang kanyang pagbubuntis sa paglilingkod sa Allah, Ang pangakong ito ay natupad nang naaayon nang ipanganak niya si Maria ang ina ni Jesus, na siyang pinakamagandang babae sa kanyang edad, at isa sa pinakamagagandang nilikha ng Allah. Ang Qur'an ay nagsabi: '[Sinabi ng asawa ni Imran: "O Allah, ipinanata ko sa iyo ang nasa aking sinapupunan, na magiging tapat sa paglilingkod sa Iyo. Tanggapin mo mula sa akin. Ikaw lamang ang Nakakarinig ng lahat at nakakaalam ng lahat.

 Nang siya ay manganak, siya ay nagsabi: “O Allah, ako ay nanganak ng isang babae”– alam ng Allah kung ano ang kanyang ipanganganak.– "Ang lalaki ay hindi katulad ng babae Pinangalanan ko siyang Maria at hinahangad ko ang Iyong proteksyon para sa kanya at sa kanyang mga supling laban kay Satanas na isinumpa.”Magiliw na tinanggap ng Allah ang kanyang panalangin. at lumaki siyang isang mabuting anak, at inilagay siya sa pangangalaga ni Zacharia Sa tuwing binibisita siya ni Zacarias sa santuwaryo ay nadadatnan niya siyang nabigyan ng pagkain. sasabihin niya:“Maria, saan nanggaling ang mga ito?”Sumagot siya:“ito ay galing sa Allah, ang Allah ay nagbibigay ng kabuhayan sa sinumang Kanyang ibig, nang higit sa lahat ng pagtutuos.’ (3:35-37)    

 2. Ang ina ni Hesus, si Maria, ay binanggit ng 31 beses sa Qur'an at siya lamang ang babaeng binanggit na pangalan sa Qur’an. Tunay na ang Qur'an ay hindi tumutukoy sa sinumang babae, kabilang ang mga kababaihang Muslim, nang mas maraming beses kaysa kay Maria. Hindi rin siya binanggit nang maraming beses sa Bagong Tipan. Higit pa rito, ang surah, o kabanata, 19 sa Qur’an ay ipinangalan sa kanya, at madali mong mababasa ang surah na ito sa internet. Ito ay pitong pahina lamang.

3. Naniniwala ang mga Muslim na si Hesus ay hindi lamang isang propeta, ngunit isa rin sa nangungunang limang mga sugo ng Allah sa sangkatauhan. Ang limang ito ay binibigyan ng paglalarawan ng pagiging 'Mga Mensahero ng matatag na pagpapasiya' Ang isang Muslim ay hindi isang tunay na mananampalataya maliban kung siya ay naniniwala na si Hesus (sumakanya ang kapayapaan) ay lingkod ng Allah, sugo at salita na Kanyang ibinigay kay Maria at isang kaluluwa

4. Ang mga Muslim ay naniniwala sa birhen na kapanganakan ni Hesus. Siya ay walang ama, at ang kanyang kapanganakan ay isang himala upang ipakita ang kapangyarihan ng Allah at ang espesyal na katayuan ni Hesus Isa rin itong pagsubok at karangalan sa kanyang ina na nagtiis sa pamumuna ng mga tao. Sinipi ng Qur’an ang kanyang mga salita: Sinabi niya; "Paanong magkakaroon ako ng isang batang lalaki samantalang walang sumaling sa akin na isang lalaki at hindi ako naging isang mapakiapid? (19:20)

5. Nagsalita si Hesus sa pagkabata at ito ang kanyang unang himala, at katibayan ng kanyang pagiging propeta. Itinala ng Qur’an kung ano ang sinabi niya sa pagkabata upang ipagtanggol ang kanyang ina: 'Itinuro niya ang bata. Sabi nila: 'Paano natin kakausapin ang sanggol sa duyan?' Kung saan sinabi niya: Ako ay isang lingkod ng Allah. Siya ay nagbigay sa akin ng mga paghahayag at ginawa akong isang propeta, at ginawa akong pinagpala saanman ako naroroon. Siya ay nag-utos sa akin ng panalangin at pagkakawanggawa habang ako ay nabubuhay. Ginawa niya akong mabait sa aking ina, hindi palalo o nawalan ng biyaya. Sumaakin ang kapayapaan noong araw na ako ay isilang at [sa akin] sa araw ng aking kamatayan at sa araw na ako ay muling bubuhayin.’ (19:29-33

6. Ayon sa Islam, ang misyon ni Hesus ay napakalinaw: upang tawagin ang mga tao na sumamba sa Allah lamang, na hindi nagtatambal sa Kanya: ‘Wala ka nang sinabi sa kanila na higit pa sa iniutos Mo sa akin [na sabihin]: “Sambahin ninyo ang Allah, na siyang aking Panginoon at inyong Panginoon. Ako ay naging saksi sa kanilang ginawa habang ako ay nabubuhay sa gitna nila. Ikaw ay nagbabantay sa kanila. Ikaw ay tunay na saksi sa lahat ng bagay. Ipinahayag din niya ang pagdating ng huling sugo ng Allah:

'Si Hesus, ang anak ni Maria, ay nagsabi: “Mga anak ni Israel! Ako ang sugo ng Allah sa inyo, [ipinadala] upang pagtibayin ang Torah na inihayag sa harap ko, at upang magbigay ng balita tungkol sa isang sugo na darating pagkatapos ko, na ang pangalan ay Ahmad.” Ngunit nang siya ay dumating sa kanila na may buong katibayan ng katotohanan, sila ay nagsabi: "Ito ay malinaw na pangkukulam."

(61:6)

7. Naniniwala ang mga Muslim sa iba't ibang mga himalang ibinigay kay Hesus. Binuhay niya ang mga patay. (Oo, tama ang narinig mo). At ginawa niya mula sa putik ang anyo ng isang ibon at hiningahan ito, at ito ay naging isang buhay na ibon (Oo, tama din ang narinig mo). At pinagaling niya ang mga taong may iba't ibang karamdaman. Ginawa niya ang lahat ng ito ayon sa kagustuhan ng Allah.

8. Kapag binanggit ng mga Muslim si Hesus, sinasabi nila (sumakanya nawa ang kapayapaan), sa parehong paraan tulad ng ginagawa nila pagkatapos banggitin ang pangalan ni Propeta Muhammad o Propeta Abraham o sinumang iba pang propeta.Ginagawa nila ito upang igalang ang mga propeta ng Allah.

 9. Ayon sa Islam, si Hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay hindi ipinako sa krus. Itinaas siya ng Allah sa Kanyang Sarili. Ito ang katotohanang sinabi sa atin ng Allah sa Qur’an ‘Dahil sa kanilang hindi paniniwala at sa napakalaking paninirang-puri na kanilang binibigkas laban kay Maria, at sa kanilang pagmamayabang: ‘Aming pinatay si Kristo Hesus, anak ni Maria, ang Sugo ng Allah. Hindi nila siya pinatay, at hindi rin nila siya ipinako sa krus, ngunit tila sa kanila lamang [parang naging] gayon. Ang mga nagtataglay ng magkasalungat na pananaw tungkol sa kanya ay talagang nalilito, na walang tunay na kaalaman tungkol dito at sumusunod lamang sa haka-haka. Sapagkat, ng katiyakan, hindi nila siya pinatay. Hindi! Itinaas siya ng Alla sa Kanyang sarili. Tunay na ang Allah ay makapangyarihan, at ganap na matalino. (4:156-8)

10. Ang huling katotohanang ito ay maaaring maging isang sorpresa: Naniniwala ang mga Muslim na babalik si Hesus sa katapusan ng panahon at papatayin niya ang Impostor Ipapalaganap niya ang katarungan at kabutihan sa mga tao. Ang bawat isa'y magkakaroon ng kasaganaan, at ang mga tao ay titingin sa pera at hindi ito kukunin. Babaliin niya ang krusipiho na nagdedeklara ng kamalian ng pag-aangkin na ipinako siya ng mga Hudyo. Papatayin niya ang mga baboy upang malinis ang kanyang mensahe ng pagbaluktot. Ang sampung katotohanang ito ay maaaring maging isang sorpresa, ngunit madali mong mahahanap kung ano ang sinasabi ng Qur’an at Propeta Muhammad tungkol kay Hesus na siyang pinaniniwalaan ng mga Muslim. Ipinapangako ko na makakahanap ka ng mas nakakagulat na mga katotohanan.

whatsapp icon messenger icon