Alam ng Diyos kung ano ang pinakamabuti para sa Kanyang nilikha. Siya ay may kumpletong kaalaman sa pag-iisip ng tao. Dahil dito ay malinaw na binibigyang kahulugan ng Islam ang mga karapatan at pananagutan natin sa Diyos, sa ating mga magulang, asawa, anak, kamag-anak, kapitbahay, atbp. Ito ay nagdudulot ng kaayusan mula sa kaguluhan, pagkakasundo mula sa kalituhan at pinapalitan ang alitan at tunggalian ng kapayapaan. Ang pagbabalik-loob sa Islam ay nagpapahintulot sa isa na harapin ang anuman at lahat ng mga sitwasyon nang may kumpiyansa. Ang Islam ay kayang gabayan tayo sa lahat ng aspeto ng buhay, espirituwal, pampulitika, pampamilya, lipunan at korporasyon.
Kapag tinutupad natin ang ating tungkulin na parangalan at sundin ang Diyos, awtomatiko nating natututuhan ang lahat ng kaugalian at mataas na pamantayan ng moralidad na hinihingi ng Islam. Ang pagyakap sa Islam ay nangangahulugan ng pagpapasakop sa kalooban ng Diyos, at kabilang dito ang paggalang at pagparangal sa mga karapatan ng sangkatauhan, lahat ng nabubuhay na nilalang, at maging ng kalikasan. Dapat nating kilalanin ang Diyos at magpasakop sa Kanya upang makagawa ng mga desisyon na magdudulot ng Kanyang kasiyahan.