Ang mga Muslim ay nagsasagawa ng limang pagdarasal sa isang araw. Ang bawat panalangin ay hindi tumatagal ng higit sa ilang minuto upang maisagawa. Ang panalangin sa Islam ay isang direktang ugnayan sa pagitan ng sumasamba at ng Diyos. Walang mga tagapamagitan sa pagitan ng Diyos at ng sumasamba. Sa panalangin, ang isang tao ay nakadarama ng panloob na kaligayahan, kapayapaan, at kaaliwan, at na ang Diyos ay nalulugod sa kanya.