Ang Islam mismo ay likas na nauugnay sa panloob na kapayapaan at katahimikan. Ang mga salitang Islam, Muslim at salaam (kapayapaan) ay nagmula sa salitang ugat na "Sa - la – ma" na nagsasaad ng kapayapaan, seguridad, at kaligtasan. Kapag ang isang tao ay nagpapasakop sa kalooban ng Diyos siya ay makakaranas ng likas na pakiramdam ng katiwasayan at kapayapaan. Ang Allah ay naglagay sa loob ng ating mga puso ng isang malalim na kawalan na Siya lamang ang makapupuno. Ang tunay na kapayapaan at katahimikan ay makakamit lamang kapag nakilala natin ang lumilipas na kalikasan ng ating buhay, nauunawaan ang kadakilaan ng Allah, at pinananatili Siya sa ating mga isipan.