Mga Karaniwang Tanong

Ang mga uri ng pagsamba na isinasagawa sa pisikal at pasalita ay tinatawag na mga Haligi ng Islam. Sila ang mga pundasyon kung saan itinayo ang Relihiyon at kung saan ang isang tao ay itinuturing na isang Muslim. Ang mga haliging ito ay ang mga sumusunod: 

1. Pagpapahayag ng Pananampalataya: Ang "Deklarasyon ngPananampalataya" ay ang pahayag na, "La ilaha illa Allah wa Muhammad Rasul-ullah", ibig sabihin ay "Walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Diyos (Allah), at si Muhammad ay Sugo (Propeta) ng Diyos".  Ang patotoong ito ng pananampalataya ay tinatawag na *Shahada*, isang simpleng pormula na dapat sabihin nang may pananalig upang makapagbalik-loob sa Islam.