Sinasabi ng mga tao na ang 'nakakakita ay naniniwala' at samakatuwid ay pinaniniwalaan lamang nila ang kanilang nakikita. Sinasabi nila na hindi nila nakikita ang Diyos.
Kakaiba talaga! Bakit hindi sila tumitingin sa kapaligiran? Nakikita mo ba itong walang hugis na kapirasong laman? Maaaring si Einstein, o Leonardo da Vinci, o Tolstoy, at Fyodor Dostoyevsky, o Hitler. O maaaring si Cain o si Abel o ikaw o ako.
Sino ang nag-aalaga sa sanggol na ito sa loob ng matinding kadiliman na nakapalibot dito? Walang iba kundi ang Diyos (Ang Allah)
Tumingin ka sa uniberso sa paligid mo. Sino ang nagpapatakbo nito at palaging may ganap na kontrol dito?
Sa banal na Qur'an ay mababasa natin:
{Tunay na si Allāh ay humahawak sa mga langit at lupa na huwag maalis ang mga ito. Talagang kung naalis ang mga ito ay walang hahawak sa mga ito na isa man noong matapos Niya. Tunay na Siya ay laging Matimpiin, Mapagpatawad} [Qur’an 35:41]
May isa pang uniberso sa malapit. Ito ay nasa loob ng iyong ulo.
Sino ang gumawa ng mga uniberso na ito at itinatag ang kanilang tumpak na balanse? Walang iba kundi ang Diyos (Ang Allah)
Ang nag-iisang cell na nagpaparami ng kanyang sarili ayon sa sarili nitong DNA ay tumuturo sa (pagkakaroon ng) tagapaglikha sa parehong paraan nang pagturo ng mga bituin at kalawakan sa Kanya.
Sinabi ng Allah sa banal na Qur’an:
{at sa mga sarili Ninyo ay may mga katunayan sa kakayahan ni Allāh. Hindi niyo ba nakikita? At Sa langit ay ang panustos ninyo at ang ipinangangako sa inyo}
[Qur’an 51:21-22]
Gumising ka sa umaga pagkatapos ng party kagabi at ang 37.2 trilyon na mga cells sa iyong katawan ay nagsisimulang gumana nang hindi mo namamalayan o nagbibigay sa alinman sa kanila ng iyong mga utos.
Walang ni isa-man sa kanila ang hindi gumana, hindi man lang nagkataon. Nahihirapan ka bang unawain ang figure na ito? Simple lang, Mayroon lamang itong 13 na mga zero, at maaaring isulat ng ganito: 3,72x10.
Sino ang gumawa ng gayong sakdal na paglikha? Walang iba kundi ang Diyos (Ang Allah).
Ang mga arkeologo ay may Natuklasan na mga lungsod na walang mga kuta, at ang iba’y walang mga palasyo, o walang mga paaralan, ngunit wala sila kailanman natuklasan na mga labi ng mga lungsod na walang mga lugar ng pagsamba.
Kaya ang tao Anuman ang kanyang kulay, lahi, konstitusyon, o paraan ng pag-iisip, ay lagi parin siyang maghahanap ng Diyos na sasambahin niya.
Naisip ko: posible ba na ang bilyun-bilyong tao ay magkakaiba sa lahat ng uri ng bagay at magkapareho sa isang bagay ng kanilang sariling imahinasyon na walang katotohanan? Tiyak na mahirap paniwalaan iyon.
Milyun-milyong tao ang gumugugol ng kanilang buong buhay upang unawain ang pisikal na konstitusyon ng tao, Sa huli ang tao ay patuloy na dumaranas ng libu-libong sakit, Milyun-milyon ang sumusubok na maunawaan ang espasyo, sansinukob at mga likas na batas. Milyun-milyon ang nag-aaral ng mga hayop at milyon-milyong iba pa ang nagbibigay ng kanilang atensyon sa pag-aaral ng buhay-dagat, habang ang iba ay ginugugol ang kanilang buhay sa pag-aaral ng pilosopiya o kasaysayan ng tao.
Sa huli kung kukunin mo ang kabuuang total ng pagkatuto at kaalaman ng tao, malalaman mong wala itong mai-rerepresenta na higit pa sa isang butil ng alikabok sa gilid ng bundok. Ganyan ang realidad.
Milyun-milyong tao ang tumatanggi sa hindi magkakaugnay na mga konsepto ng Diyos na ipinakita ng mga relihiyon na dumanas ng pagbaluktot.
Ngunit kahit na ang mga ito ay dumating sa konklusyon na sa kabila ng pisikal na uniberso, mayroong isang transendente na nilalang. Bagama't hindi nila maarok ang kalikasan ng nilalang na ito, sila ay likas na naniniwala dito. Ito ay isang katiyakan na nararamdaman natin sa ating mga sarili. Sino ang naglagay nito doon? Walang iba kundi ang Diyos (Ang Allah)
Ito ay isang katiyakan na maaaring itago ng ating maraming mga alalahanin sa buhay, ngunit ang isang pagtingin sa mga mata ng isang bagong silang na bata ay sapat na upang maibalik ito, malinaw sa ating isipan