Ako ay Maligaya sa ating pagkikita..
Kung iyong marapatin sa ilang mga ilang minuto ay nais kung ibahagi sayo ang aking Paniniwala na maaring ito ay hindi mopa narinig mula nuon , Ang paniniwalang ito ay ang nararapat na maibahagi at matanggap .
Katotohanan , Ang ALLÂH swt na nag - iisang tagapaglikha , Nilikha tayo upang siya ay sambahin at paglingkuran, Sapagkat siya ang tagapaglikha , tagabiyaya, at tagapangalaga sa ating lahat. Siya ang nagpapakain at nagpapainom sa atin, at siya ang nagpapagaling sa atin sa tuwing tayo ay nagkakasakit, at siya ang nagbibigay ng lahat lahat ng ating pangangailangan, At siya rin ang nararapat pag - ukulan ng pagsam na wala soyang katambal.
Ang ALLÂH swt ay nagpadala ng mga sugo tulad nina: Propeta Ibrahim, Noah, Moises, Jesus at ang huling Propeta na si Propeta Muhammad Sallallahu Alayhi Wa Sallam - Lahat sila ay nag - anyaya sa mga tao tungo sa pagsamba sa kaisahan ng ALLÂH swt ang nag - iisa.
Tunay na ang ALLÂH swt ay nangako sa sinuman ang manampalataya sa kanya, at sa kanyang mga Anghel, sa kanyang mga libro, sa kanyang mga sugo, at sa kabilang - buhay, at sa kapalaran mabuti man ito o masama at gagawa ng mabubuti at mamamatay sa ganung kalagayan. Siya ay papasok sa Paraiso na ang lawak ay kalangitan at kalupaan, Na duon ay walang sinuman mata ang nakakita, at walang taynga na nakarinig, at walang tao ang sumagi sa kanilang puso ang patungkol ditu.
Paraiso na wala nang karamdaman, kahirapan, at kamatayan . Bagkus habang buhay na kaligayahan...
Alam mo naba kung ano ang aking Paniniwala o Relihiyon?
Ito ang ISLAM...
Ito ang Relihiyon ng mga sugo at Propeta , Relihiyon ni Moises, Jesus at Muhammad Sallallahu Alayhi Wa Sallam, Relihiyon na siyang pinili ng ALLÂH swt para sa mga Jinn (Engkanto) at Tao.
Ang Islam ay tinuturan kami ng pagiging makatarungan at kabutihan, at pagiging mabuti sa Magulang, sa kapitbahay, at pagrespeto sa mga nakatatanda , at habag sa mga bata at kabaitan...
At maraming pang iba mulasa mga kagandahan ng Islam at pag - uugali.
Ang ALLÂH swt ay ibinaba ang Qur'an kay Propeta Muhammad Sallallahu Alayhi Wa Sallam at huling sugo at Propeta. at ang Qur'an ay salita ng ALLÂH swt na walang anumang nabago at nadagdag. Tulad ng mga naunang mga libro -, At nangako ang ALLÂH swt na ito ay mapapangalagaan...
Ngayon : Gusto mo bang Yakapin ang Islam ???
Ang pagyakap sa Islam ay madali lamang at napakagaan , Ikaw lamang ay sasaksi na walang diyos na karapat-dapat sambahin liban ang ALLÂH swt at katotohanan na si Muhammad ay huling sugo, sa pamamagitan ng pagsambit nito ay magiging ganap kanang Muslim, At kapag ikaw ay gumawa ng mabubuti at namatay ka na ikaw ay nasa Pananampalatayang Islam ikaw ay papasok sa Paraiso sa habag ng ALLÂH swt.
At ang sinuman ang hindi naniwala sa Islam at namatay sa ganitong kalagayan, Ito ay ang nakakalungkot na tagpo, Sapagkat siya ay papasok sa Impiyerno pagkaraan ng kanyang kamatayan, at mananatili dito magpakailanman, at ito ay napakatindi ng init kesa sa init dito sa Mundo ng pitompong libong ulit, at duon ay napakatindi ng parusa; at ako ay natatakot para sayo tulad ng pagkatakot ko sa aking sarili na makapasok roon ...
Nais mo bang yakapin ang Islam o aking kaibigan ???
Kung gayoN, Sambitin mo mula sa iyong dila at sa kaibuturan ng iyong puso ng katagang:
Ash hadu an la ilaha illallah wa ahs wadu anna muhammadan rasolullah wa anna esa abdullahi wa rasolohu.
Binabati kita ikaw ay isa nang ganap na Muslim, At tunay na ang lahat ng iyong mga kasalanan na nagawa ay punatawad na sa iyo ng ALLÂH swt..
Magtatagpo tayo sa Paraiso sa kapahintulutan ng ALLÂH o aking kapatid...