Ang katayuan ng kababaihan sa Islam

Sa France noong 586 AD Isang kumperensya ang ginanap upang pag-usapan kung ang isang babae ba ay tao at may kaluluwa o wala? ang kanyang kaluluwa ba ay tao o hayop? At ang kanyang kaluluwa ba ay katulad ng lalaki o hindi?

Sa huli ay napagkasunduan nila na siya ay may kaluluwa, Ngunit ito ay isang mababang uri ng kaluluwa na nilikha lamang upang pagsilbihan ang mga pagnanasa ng lalaki, Ang mga kaluluwa ng mga espiritu ng duwag at tiwaling mga lalaki ay kung saan ang mga babae ay nilikha.

Bago ang Islam, inililibing ng mga Romano at Arabo ang kanilang mga anak na babae, dahil ayaw nilang magkaroon ng anak na babae. Para sa kanila, ang mga batang babae ay nagdudulot ng kasawian at walang silbi kapag sila ay lumaki, Ilalagay lang nila ito sa isang butas at tatabunan ng lupa.

sa ating sibilisadong mundo ay mayroong 127 bansa sa Caribbean at West Africa at Latin America na nag-export ng mga kababaihan sa mga bansa sa Kanlurang Europa at Hilagang Amerika Kung saan ang mga kababaihan ay pinagsamantalahan sa mga pinakabrutal na paraan, tulad ng sapilitang paggawa at prostitusyon.

Bago ang Islam, itinuring ng lahat ang kababaihan bilang mababang nilalang, kahit sa ibang relihiyon, wala siyang dignidad o pagkatao. Halimbawa, sa India, ang asawa ay parang alipin sa bahay ng kanyang asawa. Maaaring matalo ito sakanya sa isang laro o ialok ito sa kanyang mga kaibigan. At kapag namatay ang asawa niya ay hindi na ito pwedeng pakasalan ng iba at sa maraming kaso! siya ay sinusunog ng buhay kasama ang katawan ng kanyang namatay na asawa.

Gayundin sa China, maaaring ilibing ng asawang lalaki ng buhay ang kanyang asawa kung susuwayin siya nito sa kanyang mga kagustuhan Minamana ito ng pamilya at ito ay nagiging pag-aari nila, tulad ng anumang bahagi ng kanyang ari-arian

Ang pagkakaroon ng kababaihan ang pangunahing dahilan at pinagmumulan ng krisis at pagkasira sa mundo. Ang babae ay parang punong lason, ang kanyang hitsura ay maganda, ngunit kapag kumain ang mga ibon sa bunga nito, sila ay agad na mamamatay

Ang mga pari na lalaki, sila ang naghahari sa babae At kinokontrol nila ito At kapag gusto nila, pinapakawala nila ito, Huwag mo akong kausapin tungkol sa kanyang mga karapatan, gusto namin siya sa kung ano ang gusto naming maging siya Sa kung anung gusto lang namin, siya ay pagmamay-ari namin at aming alipin, Ang babaeng inakusahan ng kanyang asawa ng pangangalunya ay hinahatulan ng kamatayan kahit na wala itong ebidensya.

Ang babae, ayon sa Kristiyanismo at Hudaismo, ang dahilan ng lahat ng kasawian, Siya ang nanghikayat kay Adan na gumawa ng kasalanan.

Nabanggit sa bibliya: "Sinabi ni Adan: ang babaeng nilikha mo sa akin ay nagbigay sa akin ng bunga ng puno at kinain ko ito"

Ayon sa Kristiyanismo, pinarusahan ng Diyos si Adan at ang buong sangkatauhan dahil kay Eba.

Subalit sa islam, si Adan at Eba ay parihong nagkasala at parehong may pananagutan, Sinabi ng Allah sa Qur-an: “Si satanas ang bumulong sa kanilang dalawa"

 Bago ang Islam, ang katayuan ng mga babae ay parang hayop o mas masahol pa sa hayop, Sinusunog kapag namatay na ang asawa At nililibing ng buhay, Alipin mula kapanganakan hanggang kamatayan, ang testimonya ng babae ay hindi tinatanggap sa alinmang korte patungkol sa anumang isyu. Kahit na pagdating sa kanyang pinaka-pribadong mga bagay, tulad ng kanyang karangalan.

 Sa paniniwala ng mga Hudyo, kapag ang lalaki ay inakusahan ang babae ng pangangalunya o hindi na birhen ang  patotoo ng babae ay hindi tatanggapin, At siya ay nahaharap sa paglilitis batay lamang sa akusasyon ng lalaki. Kahit na ang kanyang pamilya ay hindi maaaring patunayan ang akusasyon sa kanya Kahit na siya talaga ay inosente Pagkatapos ay hahatulan siya ng korte ng pagkakasala at siya ay paparusahan

Sa islam, kapag inakusahan ng lalaki ang kanyang asawa ng pangangalunya, At nanumpa ng katapatan ng limang beses, patunay na siya ay nagsasabi ng katotohanan At kung ang babae ay itinanggi ang paratang na ito at nanumpa ng katapatan ng limang beses, siya ay hahatulan ng inosente At kapag ang lalaki ay nag-akusa sa babae ng pangangalunya At hindi niya ito mapatunayan at walang maibigay na mga saksi sa kanyang akusasyon Siya ay paparusahan at papaluin ng 80 beses ng latigo. Katunayan ito ay matinding parusa ngunit ang pagpapanatili ng dignidad at dangal ng babaeng muslim ay higit na mahalaga. Ito ay isang seryosong bagay, Ang babae ay hindi nilikha para sa agham, karunungan, pag-iisip, sining o pulitika.

 Sa islam, obligado sa lalaki at babae ang magsaliksik ng kaalaman, May isang babae sa panahon ni Propeta Muhammad (sumakanya ang kapayapaan), pumunta siya sa Propeta upang makipag-usap sa kanya ng isang bagay tungkol sa Relihiyon. Hanggang sa ibinaba ang kapahayagan patungkol dito

 Tinawag pa itong surah (Surah Al-Mujadalah). Dahil ang babae ay nakipagtalo sa Propeta tungkol sa usaping relihiyon, kaya ang Allah ay nagpababa ng talatang nagpapaliwanag para sa sitwasyong ito

 Tungkol naman sa Bibliya, makakakita tayo ng mga talatang nagbabawal sa mga babae na magsalita sa mga simbahan. “Pabayaan ninyong manahimik ang inyong mga babae sa mga simbahan sapagkat hindi sila pinapayagang magsalita”) “Ngunit kung gusto nilang matuto ay tanungin nila ang kanilang mga kalalakihan sa bahay, dahil hindi maganda sa isang babae ang magsalita sa simbahan) "Ang babae sa panahon ng regla ay nagdudulot ng masamang palatandaan, kamatayan at pagkasira. Ginagawa niyang madumi ang lahat sa paligid niya "(Leviticus  15: 19- 23)

Noong Mayo 2013, nagprotesta ang ilang kababaihan laban sa lumang tradisyon ng Hindu Dahil sa pagkulong sa mga kababaihan sa panahon ng kanilang regla upang maiwasan ang karumihan, Mahigit 24 na babae ang namamatay sa sipon At mga sakit taun-taon sa panahon ng detensyon

Sa Hinduismo, Hudaismo at Kristiyanismo, ang isang babae sa panahon ng kanyang regla ay marumi at isang malaking sumpa maging ang kanyang asawa ay nagiging marumi dahil sa kanya, at lahat ng kanyang nahahawakan.

Sa Islam, walang ganoong kalokohan. Nabanggit ng asawa ng Propeta na sila ay kumakain sa iisang lagayan at kung saan kumukuha ng isusubo ay doon din kumukuha ang propeta ng isusubo niya, Sa Islam ay walang lugar para sa mga pamahiin ng karumihan, pagsumpa at masamang kapalaran

Ayon sa Bibliya, ang isang tao ay maaaring gumawa ng isang panata at tuparin ito anumang oras, ngunit ang isang babae ay kailangang humingi ng pahintulot sa kanyang ama o asawa upang gumawa ng isang panata.

Sa Islam, normal para sa isang lalaki o babae na manata ng hayag o pribado at maaari nilang tuparin ang panata sa paraang gusto nila. Kung hindi matupad ng alinman sa kanila ang kanilang mga panata, kailangan nilang gawin ang parehong pagbabayad-sala sa pamamagitan ng pagpapakain ng 10 mahihirap na tao. Ito ay isang malinaw at pantay na tuntunin

"Ang kasalanan ay nagmula sa isang babae at sa pamamagitan niya tayong lahat ay mamamatay" (Ecclesiasticus 25:24)

Ang pangangalunya ay kasalanan sa lahat ng relihiyon, ngunit ito ay may iba't ibang kahulugan sa bawat isa sa kanila.

Sa Qur'an, ang isang lalaki at isang babae na nakikipagtalik ng hindi kasal ay parehong nangangalunya, Pareho ang parusa sa kanila.

Samantalang sa Bibliya, ang isang relasyon ay itinuturing lamang na pangangalunya kung sakaling ang babae ay kasal. Sa kasong ito, ang mga bata ay itinuturing na hindi lehitimo at walang tirahan. Ngunit ang lalaki, kahit na siya ay kasal, hindi maituturing na pangangalunya ang ginawa niya at ang kanyang mga anak ay lehitimo. Bakit ganon? Dahil sa Judaismo ang babaeng may asawa ay pag-aari ng kanyang asawa. Kaya't kapag ang isang lalaki ay nangalunya sa isang babaeng may asawa, siya ay lumalabag sa pag-aari ng ibang lalaki, kung saan siya ay dapat parusahan. Ngunit kung siya ay may asawa at natulog sa isang solong babae, kung gayon hindi siya nanghihimasok sa pag-aari ng sinuman.

Ang mga ito ay napakalaking nakakainsultong pamantayan laban sa dignidad ng isang babae.

Ang pag-aasawa at pamilya ay mahalaga sa lahat ng relihiyon.

Sa Islam, sa isang napakaikli at mahusay na paglalarawan, Sinabi ng Allah: (Kabilang sa mga tanda Niya ay na lumikha Siya para sa inyo, mula sa mga sarili ninyo, ng mga kabiyak upang mapanatag kayo sa kanila at naglagay Siya sa pagitan ninyo ng pagmamahal at awa. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip).

Ganyan ang pag-aasawa sa islam

Ngunit papaano sa Hudaismo at Kristiyanismo? Parang kumontrata ng ari-arian sabi ng Talmud: "Ang mga gamit sa bahay, maging ang mga tinapay sa mesa, ay pag-aari ng asawa, kung may anyayahan siya sa kanyang bahay at pakainin, siya ay nagnanakaw sa kanyang asawa. Samakatuwid, ang pinakamayamang babae, kung siya ay mag-asawa, ay nagiging mahirap Bagkus, ang kanyang mga desisyon at personalidad ay nakabase sa asawa Wala siyang magagawa kung walang pahintulot ng asawa Hindi siya makakapunta sa korte kapag inaapi siya.

Ang hindi kapani-paniwala ay ang isang babae na nagbabayad ng dore sa lalaki para pakasalan siya Kukunin niya ang pera ng kanyang ama para ibigay bilang dore. Kaya naman ayaw ng mga lalaki na magkaanak ng babae

Kabaliktaran ito sa Islam, dahil ang lalaki ang magbibigay ng Dore sa babae Ang babae lamang ang makakapagtukoy ng halaga ng dore na gusto niya. Pagkatapos ng kasal, ang bawat isa sa kanila ay malaya sa pananalapi

Sa Bibliya, hindi kailanman maaaring magmana ang isang babae sa isang simpleng dahilan, dahil bahagi siya ng mana, Yan ay kung asawa o ina. Kung siya ay isang anak na babae, maaari siyang magmana kung wala siyang mga kapatid na lalaki. At kung may mga kapatid siyang lalaki ay wala siyang makukuhang mana kahit sa anumang paraan, At hindi rin pinahintulutan ang mga kapatid niyang lalaki na bigyan siya sa kanilang mana

Subalit sa Islam, ang babae ay maaaring mag-mana ng mas Malaki kaysa lalaki, at minsan ay kaparihas ng lalaki, at minsan ay pwedeng kalahati nito, base sa koneksyon ng pamilya sa namatay. At kung ang hatol ay ang panghuli ay parang hindi patas dahil sa magmamana ng kalahati tulad ng minana ng lalaki ngunit hindi ito magkaparihas, dahil ang babae sa Islam ay kailangang suportahan ng lalaki sa buong buhay niya at aakuhin niya ang lahat ng responsibilidad sa pagsuporta sa kanya.

Hanggang sa panahon natin ngayon Ang mga bagong pari ay ginagawa nila sa babae kung ano ang nais nila dito Kinokontrol nila at hinuhusgahan na ito ay isang kagamitan, kasangkapan, o isang kabuhayan. Sila ang magpapasya sa babae kung ano ang dapat niyang gawin. ang Bibliyang Katoliko ay direktang nagsabi na "Ang pagsilang ng isang anak na babae ay isang kawalan" (Ecclesiaticus 22:3)

Si Propeta Muhammad (sumakanya ang kapayapaan) ay nagsabi: "Sinuman ang may tatlong anak na babae at matiyaga sa kanila at nagpapakain at binibihisan sila, sila ang mag-protekta sa kanya mula sa apoy sa araw ng muling pagkabuhay."

Habang ang Talmud ay nagsabi: "Ang babae ay hindi maaaring magkaroon ng anuman dahil ang lahat ay pag-aari ng kanyang asawa. Maging ang mga gamit sa bahay at tinapay sa mesa, ay pag-aari ng asawa, kung may anyayahan siya sa kanyang bahay at pakainin, siya ay nagnanakaw sa kanyang asawa.

 Sinabi ng Allah: (May ukol sa mga maybahay na mga karapatan at mga tungkulin tulad ng sa mga asawa nila sa kanila ayon sa nakagawian ng mga tao.)

Sinabi pa niya: (hindi ipinahihintulot para sa inyo na magmana kayo ng mga babae nang sapilitan)

Sinabi pa niya: (ukol sa mga babae ay bahagi mula sa nakamit nila).

Samantalang sa Bibliya ay sinabi: "Ang kasalanan ay nagmula sa isang babae at sa pamamagitan niya tayong lahat ay namamatay" (Ecclesiasticus 25:24)

Sinabi sa Qur-an:(huwag kayong maghanap laban sa kanila ng isang paraan)

Sinabi sa Qur-an:( Makitungo kayo sa kanila ayon sa nakabubuti)

Maraming mga taga Kanluran ang naniniwala na ang Islam ay isang relihiyon na nang-aapi sa kababaihan. Ang nakakagulat ay maraming bilang ng mga kababaihan ang yumayakap sa Islam lalo na sa America at Europa. Ang mga kababaihan ay higit sa 70% ang mga pumapasok sa Islam.

Ang tanong, ano ang dahilan ng mga kababaihan sa Estados Unidos at Europa at pumapasok sila sa Islam?

May mga personal na dahilan na nauugnay sa mga kababaihan mismo, dahil hindi sila nasisiyahan sa mga relihiyon kung saan sila pinalaki.

Kaya nagsimula silang magbasa tungkol sa mga relihiyon hanggang sa natagpuan nila ang Islam. Naakit sila sa Islam dahil sa inilarawang lohika nito sa kanila, lalo na sa pakikitungo nito sa kababaihan.

Marami sa kanila ang nagpahayag ng kanilang pagkahumaling sa mga karapatan na ibinibigay sa kababaihan sa islam Matapos nilang iwasto ang mga huwad at gawa-gawang ideya laban sa Islam na kadalasang iniuugnay ang mga babaeng Muslim sa pang-aapi, karahasan at pagpapasakop sa mga lalaki.