bakit ka nabubuhay? Huwag mong sabihin sa akin na hindi mo naisip yun?
Muslim man, O Kristiyano o Hudyo o agnostiko, Bawat isa ay kailangan niyang itanong sa sarili niya ang ganitong tanong, Ang layunin ba ng aking buhay ay kumain at sumunod lamang sa tawag ng kalikasan…? Ito lang ba yun?
Nandito ba tayo sa planetang ito para lang dito?
Hindi, imposible!
isang layunin na mananatili at hindi mawawala, Kailan man
Ngunit, ano ang layunin na iyon?
Hindi masisira ang enerhiya, Tayo ay namamatay at nagiging organikong bagay na kinakain ng mga hayop at halaman, O tayo ay nagiging mga materyales na ginamit bilang panggatong sa pagpapaandar ng mga kotse pagkatapos ng libu-libong taon, Ganun ba tayo?
Tayo ba ay mga organikong bagay na mawawala ng tuluyan?
Hindi! Sigurado akong hindi ito totoo
Nabubuhay tayo sa paghahabol ng pera, At makamundong kasiyahan at kayamanan, babae, ganyan lumipas ang ating buhay ng hindi namamalayan ang nangyayari, tayo ang nagpapagutom at nagpapahirap sa ating mga kaluluwa ng dahil lamang sa ginto’t pilak at dolyar, at mga account sa bangko, mga damit, sapatos at pagsabay sa mga uso, at biglang ang buhok ay magiging kulay abo, at ang gilid nito ay magiging kulay puti, at sumasakit ang mga buto at kalamnan, tapos lilipas ang oras
Papalitan ang kalendaryo ng isang taon pagkatapos ng isa pa
Lumipas ang mga taon sa iyo… pagkatapos ay dumating ang kamatayan
Ang tanong, saan ba talaga tayo nabubuhay? Ang buhay ba ay ang paghinga ng ating mga baga? Sa halip ang iyong kaluluwa?