Pag-aayuno sa buwan ng Ramadan

Bawat taon sa buwan ng Ramadan, lahat ng mga Muslim ay nag-aayuno mula

madaling araw hanggang sa paglubog ng araw, umiwas sa pagkain, inumin, at

pakikipagtalik.

Kahit na ang pag-aayuno ay kapaki-pakinabang sa kalusugan, ito ay

itinuturing na pangunahin bilang isang paraan ng espirituwal na paglilinis sa

sarili. Sa pamamagitan ng paglayo sa sarili mula sa makamundong

kaginhawahan, kahit sa maikling panahon, ang isang nag-aayuno ay

nakakakuha ng tunay na pakikiramay sa mga nagugutom, gayundin ang

paglago sa kanyang espirituwal na buhay.