Ang Paraiso, gaya ng inilarawan sa maraming talata ng Quran, ay isang lugar ng walang hanggang kaligayahan at ito ay ipinangako sa mga mananampalataya. Ipinakita ng Diyos ang kanyang awa sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng paggantimpalaan sa kanila ng Paraiso. Ang sinumang tumanggi sa Diyos o sumamba sa isang bagay na kasama, o sa halip na Kanya, o mag-aangkin na ang Diyos ay may anak na lalaki o babae o kasama, ay mapapahamak sa Kabilang-buhay sa apoy ng impiyerno. Ang pagbabalik-loob sa Islam ay magliligtas sa isang tao mula sa pagdurusa sa libingan, pagdurusa sa Araw ng Paghuhukom at walang hanggang apoy ng impiyerno. Ang pagyakap sa Islam ay nagliligtas sa isang tao mula sa walang hanggang Apoy ng Impiyerno na binalaan ng lahat ng mga propeta sa kanilang mga tagasunod.