1.Ang patotoo ng pananampalataya
ay nagsasabi nang may pananalig, "La ilaha illa Allah, Muhammadur rasoolu
Allah."
Ang ibig sabihin ng kasabihang ito ay:
“Na walang sinuman ang may karapatang sambahin kundi ang Diyos lamang,
at ang Diyos ay walang kasama o anak.
At na si Muhammad ay ang huling sugo ng Diyos.
Ang patotoong ito ng pananampalataya ay tinatawag na *Shahada*, isang
simpleng pormula na dapat sabihin nang may pananalig upang
makapagbalik-loob sa Islam.
Ang patotoo ng pananampalataya ay ang pinakamahalagang haligi ng Islam.