Ano ang limang haligi ng Islam?

Ang Islam ay isang matayog na istraktura na nakatayo sa limang haligi kung wala ang mga haliging ito, ang istraktura ay mahina ang pundasyon, at madali itong babagsak.

Ang limang haligi    

Hindi tayo tulad ng mga lobo na namumuhay nang hiwalay, Na ang bawat isa ay nag-iisa, hindi rin tayo tulad ng mga walang isip na tupa na pinapatakbo ng isang pastol, Kailangang mapanatili ng tao ang maingat na balanse sa pagitan ng kanyang espirituwal at pisikal na mga pangangailangan, at sa pagitan ng kanyang indibidwal na buhay at kanyang panlipunang buhay Ang magandang balanse ang mainam na paraan para makamit ang limang haligi na ito na bumubuo sa istraktura ng limang haligi ng islam sa pamamagitan nito, ang buhay panlabas ng tao ay tutugma ng naaayon sa kanyang diwa At umaakma maging sa kanyang mga kapatid na mga muslim Paano gumagana ang lahat ng ito?

Ang Dalawang Pagpapahayag o Pagsaksi

Ito ang pagpapahayag ng paniniwala sa kaisahan ng Allah at kay Muhammad bilang sugo ng Allah, Naglalatag ito ng isang pangunahing prinsipyo na nagtatatag ng isang komunidad na nagkakaisa at pinakamakatarungang mga prinsipyo, ibig sabihin, na ang lahat ng pagsamba ay dapat iukol sa Allah lamang, Ang dalawang pagpapahayag ay ang isa sa nagbahagi ng halaga at lumilikha ng isang maayos na komunidad na walang napapaloob na salungatan: isang Diyos na dapat sundin at isang propeta na dapat sundin. Sumasaksi ako na walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah; at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay sugo ng Allah Ang mga pagsaksi na ito ay nagpapatunay na ang lahat ng pagsamba ay dapat iukol sa Allah lamang, dahil Siya ang Tagapaglikha at Tagapaglaan na nag-iisang nagsasagawa ng lahat ng mga gawain sa sansinukob. Kinikilala din nito na si Propeta Muhammad, na siyang huling sugo ng Allah dapat sundin sa lahat ng kanyang ipinag-utos at sa kanyang ipinag-bawal, dahil sa pamamagitan niya ay nalalaman natin kung ano ang gusto ng Alla na gawin natin.

Ang pagdarasal

Ang mga Muslim ay obligadong magdasal ng limang beses sa loob ng   isang araw, at ang mga pagdarasal na ito sa  araw at gabi ay dahilan upang mapanatili ang paniniwala ng tao na laging nakikipag-ugnayan sa tagapaglikha Ang mga panalanging ito ay talagang isang pinakamabisang hadlang na pumipigil sa tao para makagawa ng bagay na nagdudulot ng galit ng Allah Sa pamamagitan ng pagdalo sa mga panalanging ito, ang mga Muslim ay palaging nasa isang sitwasyon kung saan natapos na nila ang isang pagdarasal ilang sandali o ang nakalipas o naghahanda para sa pagdarasal na papalapit na. Kaya, sila ay masigasig at hindi mawala ang epekto ng panalangin na kanilang natapos kapag sila ay nakikipag-ugnayan sa Allah at kasabay nito ay ayaw nilang tumayong muli sa harapan ng Allah na nakagawa ng kasalanan, Ito ang resulta ng limang pagdarasal ng muslim sa isang araw Sinabi ng Propeta: Ang pagkakatulad ng limang araw na pagdarasal ay tulad ng isang umaagos na ilog na umaagos sa pintuan ng isa sa inyo, kung saan siya ay naliligo araw-araw ng limang beses.”.[Inulat ni Muslim]. Kung titingnan mo ang sansinukob sa paligid mo, makikita mo na ito ay ganap na nagpapasakop sa kataas-taasang Lumikha nito. Wala sa sansinukob ang nagrerebelde, lumilihis, nagpapakita ng pagkabagot, huminto sa paggana, o nagwelga, Para bang ang buong sansinukob ay nasa isang sitwasyon ng permanenteng panalangin at pagpapatirapa Ito ay ganap na inilarawan ng talata ng Qur'an na nagsasabing:

“Hindi mo ba napag-alaman na kay Allāh ay nagpapatirapa ang sinumang nasa mga langit, ang sinumang nasa lupa, ang araw, ang buwan, ang mga bituin, ang mga bundok, ang mga punong-kahoy, ang mga hayop, at ang marami sa mga tao. May marami na nagindapat sa kanila ang pagdurusa. Ang sinumang hinahamak ni Allāh ay walang ukol sa kanya na anumang tagapagparangal Tunay na si Allāh ay gumagawa ng anumang niloloob Niya. ”

(22:18)

Paparangalan ng Allah, kaya ang tao ay dapat una sa lahat ng mga nilalang na nanatiling sumasamba at nagdarasal nang walang tigil. Gayunpaman, siya ay pinili upang mamahala sa lupa, at ibinigay kung ano ang angkop sa pagtupad ng tungkuling ito. Nabigyan siya ng mga pangangailangan at kagustuhan na makatutulong sa kanya upang magampanan ang kanyang tungkulin. Samakatuwid, kailangan ng tao ang permanenteng panalangin. dahil ang tao ay nangangailangan ng isang espesyal na pagsamba na tumitiyak sa kanyang espirituwal na balanse at nagsisilbing patuloy na ugnayan sa Allah na nagbibigay-daan sa kanya upang maging mas mapalapit sa Kanya. Dapat kasabay nito ay nababagay sa kanyang kalikasan at nakakatulong sa pagtupad ng kanyang tungkulin sa buhay na ito Ang pagsamba na kailangan ng tao ay ang limang beses sa araw-araw na panalangin na ipinag-uutos sa atin ng Allah.

Zakat (Kawang-gawa)

Ang Zakat ay ang pananggalang na pumipigil sa pagbagsak ng lipunanو- Ang institusyon ang tumitiyak na walang magaganap na mga pagsabog tulad ng dinanas ng mga Komunistang lipunan na napakalayo sa kaliwa, o mga kapitalistang lipunan na napakalayo sa kanan Sa parehong mga kaso, ang malalaking bahagi ng lipunan, ng parehong uri, ay nakakaramdam ng gutom. Ang Zakat ay isang pinansiyal na gawaing pagsamba, isang taunang tungkulin na binabayaran ng bawat isa na mayroong higit ari-arian o kayamanan At ito ay isang maliit na bahagi, dalawa at kalahating porsyento lamang, o katulad na maliliit na halaga ng ilang uri ng ari-arian tulad ng mga ani ng agrikultura at baka. Sa pamamagitan ng pagbabayad ng kanilang zakat, tinitiyak ng mga tao na ang kanilang ari-arian ay dinadalisay, at sila ay malaya sa pagiging maramot. Sa gayon ay tinutulungan nila ang kanilang mga kapatid na dukha at nangangailangan. Sinabi ng Allah sa kanyang Sugo: “Kumuha ka mula sa mga yaman nila ng isang kawanggawang magdadalisay sa kanila at magpapalago sa kanila sa pamamagitan nito,”.(9:103).

Ang Pag-aayuno

Ito ay isang natatanging uri ng pagsamba na inubliga ng Allah simula pa sa mga naunang komunidad ng mga mananampalataya, Ginawa niya itong isa sa mga haligi kung saan itinatayo ang haligi ng Islam. Ang mga muslim ay umiiwas sa pagkain, inumin at pakikipagtalik, mula madaling araw hanggang dapit-hapon, sa loob ng isang buong buwan bawat taon. Ang pagsamba na ito ay nagbibigay ng pagsasanay upang kontrolin ang mga pagnanasa at umiwas sa mga kasiyahan nito Kasabay nito, nagbibigay ito ng kalusugan. Nagbibigay ito ng ugnayan sa pagitan ng pamayanang Muslim, at ng mga naunang pamayanan ng mga mananampalataya na sumunod sa mga naunang propeta. Sinabi ng Allah:

“O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo ang pag-aayuno kung paanong isinatungkulin ito sa mga nauna pa sa inyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala”

(2:183)

Ang pag-aayuno ay nagpapakita kung gaano kadali ang Islam. Kapag ang mga Muslim ay may sakit o naglalakbay, sila ay binibigyan ng exemption ng pag-aayuno, sa kondisyon na sila ay magbayad sa pamamagitan ng pag-aayuno sa parehong bilang ng mga araw kapag sila ay gumaling o nakauwi.

Ang Pagsasagawa ng Hajj

Ito ang dakilang pagtitipon na kailangang dumalo ng isang Muslim kahit isang beses sa tanang buhay, sa kondisyon na siya ay may malusog at malakas na pangangatawan at may pinansyal na kayang gawin ang paglalakbay. Ang mga Muslim ng lahat ng lahi, kulay at nasyonalidad ay nagkakatagpo sa iisang lugar, suot ang parehong mga kasuotan, sa ganap na pagkakapantay-pantay, niluluwalhati ang kanilang nag-iisang Panginoon Sila ay magkakaiba ng mga wika ngunit iisa lamang ang sinasamba Nabawi nila ang kanilang dalisay na pagkatao. Dapat ba nating isantabi ang lahat ng magagandang aspeto ng Islam at tumutok lamang sa batas nito at sa natatanging organisasyon ng buhay ng tao, makikita natin itong isang malinaw na katibayan na nagpapakita ng bawat makatuwirang tao na ang Islam ay ang relihiyong ipinagkaloob ng Allah, ang Lumikha ng sansinukob.